aking iaalay ang buhay ko't dugo
para sa bayan ko nang ito'y mahango
sa sanlaksang hirap at mga siphayo
sa danas na dusa't pangakong pinako
ito'y panata kong marapat na tupdin
ang gawa'y marangal, magandang layunin
pinsipyong niyakap, mga simulain
kikilos, gagawin itong adhikain
tara, makiisa sa pakikibaka
at organisahin ang obrero't masa
babaguhin itong bulok na sistema
at tahakin natin ang bagong umaga
ang ugat ng hirap ay dapat malupig
dahilan ng dusa'y dapat ding mausig
halina't sumama kung iyong narinig
ang mga hinaing ng dalitang tinig
- gregbituinjr.
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Di mailarawan ng salitâ
DI MAILARAWAN NG SALITÂ walang salitâ ang makapaglalarawan pag minamahal mo'y nawalang tuluyan dalamhati ang wikang nauunawaan ng puso n...
-
ISANG KAHIG, ISANG TUKA tulad daw ng manok / ang buhay ng dukha pagkat sila'y isang / kahig, isang tuka sa bawat pagkilos / ay kakaing s...
-
MABUBUTI ANG MGA AKTIBISTA "Ubi boni tacent, malum prosperat. (Evil prospers where good people are silent.)" natatanaw ng lawin...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento