Sabi nila'y "Presente"
"Presente", ang sabi nilang may hawak na larawan
sa taunang Kalbaryo ng Kawalang Katarungan
patunay na ang mahal nila'y di nalilimutan
na winala noon, di na makita ang katawan
sila'y iwinala gayong pinaglaban ang tama
pagbabago ang adhika, bayan ay mapalaya
mula sa kuko ng mapagsamantala't kuhila
hanggang ngayon, ang hinahanap na hustisya'y wala
"Presente" para sa lahat ng desaparesidos
ito rin ang sigaw kong nakikibaka ng lubos
sigaw rin ng ibang ang pakikibaka'y di tapos
na sa masa'y patuloy pang naglilingkod ng taos
tuloy ang paghahanap sa katawan at hustisya
ng mga nagmamahal at naulilang pamilya
hiling na kahit katawan sana'y matagpuan na
"Presente", hustisyang asam nawa'y kamtin na nila
- gregbituinjr.
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ikawalong Black Friday Protest ng 2026
SA IKAWALONG BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026 patuloy pa ako sa paggampan ng nakaatang na tungkulin pag sasapit ang araw ng Biyernes kaya sa ika...
-
ISANG KAHIG, ISANG TUKA tulad daw ng manok / ang buhay ng dukha pagkat sila'y isang / kahig, isang tuka sa bawat pagkilos / ay kakaing s...
-
MGA ILANG TANONG LAMANG sasali ka sa unyon, babantaan ka na? karapatan ba ang nais mo o giyera? bilang obrero, di ba't may karapatan...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento