Sabado, Marso 12, 2022

Hatinggabi na

HATINGGABI NA

hatinggabi na, dapat matulog
lalo't isip na'y kakalog-kalog
subalit mag-ingat pagkat busog
baka bangungutin, maging itlog

hatinggabi na, nagninilay pa
di makatulog, nag-aalala
anong dami ng isyu't problema
ng bansa't naorganisang masa

hatinggabi na, ika'y umidlip
baka may magandang panaginip
solusyon sa problema'y malirip
at pagkagising, may masasagip

hatinggabi na, tulog na tayo
sa munti nating banig, mahal ko
nang makagising ng alas-singko
maagang mamamalengke ako

sinalubong ko ang hatinggabi
na sa pagmamahal ay sakbibi
at sa aking sinta'y nagsisilbi
sa mutya kong kabigha-bighani

- gregoriovbituinjr.
03.12.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sampung biskwit, sampung tubig sa booklet launching

10 BISKWIT, 10 TUBIG SA BOOKLET LAUNCHING dapat lang paghandaan, baka may dumating sa mga inimbitahan sa booklet launching tigsampung tubig ...