Martes, Enero 6, 2026

Sa iyong ika-42 kaarawan

SA IYONG IKA-42 KAARAWAN

saan ka man naroroon
maligayang kaarawan
ninamnam ko ang kahapon
na tila di mo iniwan

oo, nasa gunita pa
ang mapupula mong labi
akin pang naaalala
ang matatamis mong ngiti

tulad ng palaso't busog
ni Kupido sa puso ko
binabati kita, irog
sa pagsapit ng birthday mo

muli, pagbati'y tanggapin
sa puso ko'y ikaw pa rin

- gregoriovbituinjr.
01.06.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Di mailarawan sa salitâ

DI MAILARAWAN SA SALITÂ walang salitâ ang makapaglalarawan pag minamahal mo'y nawalâ nang tuluyan dalamhati ang wikang nauunawaan ng pus...